History of FKMCHS



History of Francisco Kiko Manlises Calingag High School.
 
            Ang Francisco Kiko Manlises Calingag High School ay itinatag taong Dalawang libo't lima (2005). Ang mag asawang Macrino and Mae Boots Ozar ang nasa likod ng pag tatayo ng Calingag High School sila ang pinaka utak ng pagsisimula ng paaralang ito. Ang lupang kinatatayuan ng paaralan ay donate ni BabyLinda Manlises at sa tulong ng Barangay Officials sa panahon ng  pamumuno ni Calixto Mambil. Ang mga guro na unang nagturo sa Paaralang ito ay sina Ma'am ozar, Sir Layron, at Ma'am Tipo. Sa pag sisimula ng Francisco Kiko Manlises Calingag High School katulad ng iba ay  nakaranas ang paaralan na ito ng mga pagsubok. Nag simula ito sa makeshift classroom ang bubong ng mga classroom ay gawa sa sulirap kaya sa tuwing umuulan kanya-kanyang hanap ng pwesto kung saan walang tulo at kapag bumabagyo ay nasisira ang ilang bahagi nito. Naihiwalay ang FKMCHS sa main school noong August 5, 2015-2016 at may ibinigay na certificate na patunay. Ayon sa mga guro ng paaralang FKMCHS masasabi na  malayo na ang narating ng paaralan buhat ng ito ay mag-umpisa dahil marami na ang nakapagtapos dito may mga guro na, nursing, pulis at iba pang estudyante na dating pumasok dito na ngayon ay professional na.