Kabataan pag-asa pa nga ba ng bayan
Kabataan, pag-asa pa ba ng bayan?
Sa gitna ng dilim, sa gitna ng takot,
Mga kabataan, kayo ang liwanag,
Sa landas ng pag-asa, kayo ang tinitingala.
Kayong mga kabataan, may bukas pa,
May pag-asa pa, may kinabukasan pa
Sa inyo nakataya ang ating hinaharap,
Kayong mga kabataan, ang pag-asa ng bayan.
Sa kabila ng mga nangyayari
Patunayan nyo na may pag-asa pa
Isalba ang kinabukasan ng bansa
Patunayan na si Rizal ay tama
Kayo ang mga susunod na lider,
Mga tagapagtaguyod ng tunay na reporma,
Kayo ang magtataguyod ng hustisya at karapatan,
Kayo ang magbibigay ng pagbabago sa bayan.
Kaya't mga kabataan, sa bawat pagkakataon,
Gamitin ninyo ang inyong talino't puso,
Upang magbigay ng pag-asa at inspirasyon,
Sa bayan nating mahal, sa ating mga kababayan